"Binabayaran lang naman tayo para sa oras natin, hindi sa kung ano talaga ang kaya nating gawin."
Ganyan daw ang corporate life. Sabi ko, "Sheeet, oo nga ano?!?" Narealize ko na tama, no matter what you do, swelduhan ka eh. Fixed ang bayad sayo, pwera nlng pag mag-overtime ka. Parang kahit na sobrang magpaka-bibo hotdog ka ngyong linggong ito, at sobrang magJuanTamad-tamaran ka sa susunod na linggo, ang ending eh pareho pa rin ang sweldo mo sa kinsenas at katapusan.
Nagbilang ako bigla: almost 9 years pla ako sa corporate world. Konti nlng, isang dekada na. No wonder nagulat ako sa panibagong perspective na ito. May point nga. Kaya pala may iba na mas gugustuhin ung commission basis na type of work kasi yun ang literal na "earnings" -- you earn what you work for. Directly proportional cya. Ang downside lng dito is the unstability of the income because it is dependent on your performance. Palong-palo ka ng bongga dahil sinwerte ka sa clients and/or na-meet mo quota etc pero pag nataon na may calamity or unforeseen circumstance na makaka-hinder sa trabaho mo, wala din nmn kita.
Which is why I really admire the people in that field of work. I should know, my mom is in one. Alam kong sila palagi ung pressured sa sarili nila kasi dependent yung income sa performance. True success in that kind of business lies in the fact that you consider yourself as your biggest competitor. Kasi if you consider yourself as your biggest competitor, you will never be complacent. Walang salitang "petiks". Lagi mo pagbubutihan. And this translates to income.
Kudos to those people who thrive in these kinds of challenges. Mabuhay kayo. Hndi man ako para jan, alam ko ang hirap ng ganyang klaseng trabaho. I guess it just so happened na nakagisnan ko at malamang mas ggustuhin ko pa rin maging isang "bayarang" kinsenas-katapusan. :)