"Ah, Fit n' Right ba un? Akala ko Eat (gestures) n' Write (gestures)" Hahaha!
But seriously, I know I have to start exercising. Pano ba nmn, nagpasukat na ako ng gown na pang-abay sa kasal ni Meenah. So ibig sabihin, hindi nako pwede tumaba. Todo na ung vital stats na kinuha sakin. Pero kahit dalawang mabibigat na rason na ang andyan pra mag-diet at mag-exercise ako, hindi ko pa rin mashadong magawa (ano kamo ung 2 rason? 1. kasal ni meenah. 2. kasal ko. hahaha!)
Yes, nagbabawas nako ng rice. Bread ang inuupakan ng lola nyoh. Kya lng, dapat wheat or organic chuva, or else makakaubos ako ng 1 loaf bago mabusog. So gudluck sa pagbili ng kakaibang tinapay dba. Mahilig ako sa pan-de-sal, pero, like I said, makakaubos ako ng mga 10 piraso bago mabusog. Haaaay.
Pero more than a diet, kelangan ko mag-exercise. Pero bakit hindi ko magawa? I guess I'm writing this blog to force myself to answer that question.
"Bakit mo nga nmn tlga hindi magawa, Eva?"
Aha. Alam ko na.
- Computer/Internet
- Janet Evanovich
- Trabaho
I know it takes discipline tlga. Kahit gaano kadaming HipHop Abs DVD ang bilhin ko, kng hindi ko nmn susundan un, wala din tlga mangyayari.
Although.... may naiisip akong medyo magandang motivation para sakin... Isipin ko nlng, gusto ko mag 2-piece pag nagbeach ako this summer. Kaya kelangan, magka abs ako. Eh isang malaking "ab" lng cya eh, tsktsk... hindi pala dapat ganun.
I need to exercise. But I always say that -- I rarely do it. Sana masimulan ko na! Daig pa ako ng aso, nakakapag treadmill.
Mahiya nmn ako dba?